Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2, 1987;
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino;
3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon
Ayon sa seksiyon 4 ng saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kanyang napangasawa.
Batay sa Republic Act 9225, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Kailangan lamang na aplayan ito at patunayan sa pamamagitan ng sertipiko ng kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang kanyang mga magulang o isa man sa kanila ay mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.
URI NG MAMAMAYANG PILIPINO
1. Likas o Katutubong Mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa
mga magulang o pareho ang Pilipino.
2. Naturalisadong Mamamayan ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.