Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
Sa kasalukuyan, nagsisilbing pananggalang ang ating Konstitusyon mula sa anumang posibilidad ng pag-uulit ng batas militar. Ang Korte Suprema ay may kapangyarihang suriin lahat ng mga opisyal na batas upang tukuyin kung ang mga ito ay naglalaman ng pang-aabuso ng kakayahang magpasya para sa bayan. Hindi maaaring basta na lamang ipawalang-bisa ang Kongreso. Higit sa lahat, ang batas militar ay limitado—sa itatagal nito at sa mga epekto nito—kahit na ito ay iniutos ng isang pangulo.
-taegshii
Answer:
Noong Setyembre 21, 1944, inilabas ni Pangulong Jose P. Laurel ang Proklamasyon Blg. 29 na naglayong ipasailalim ang Pilipinas sa batas militar. Naging epektibo ito noong Setyembre 22,1944. Ganito rin ang sinunod na proseso ni Marcos, ngunit hindi niya nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21: nilagdaan niya ito noong Setyembre 17 o Setyembre 22, gayong ang nakasaad na petsa rito ay Setyembre 21.
Sa buong itinagal ng batas militar, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang pagkilala sa Setyembre 21 bilang National Thanksgiving Day sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1180 s. 1973. Ginawa niya ito upang mailapat sa kasaysayan ang araw ng pagkakatatag ng kaniyang Bagong Lipunan. Lubhang naging matagumpay ang propagandang ito sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay maraming mga Pilipino, lalo na iyong mga hindi naranasan ang mga pangyayari nong Setyembre 23, 1972, ang naniniwala na ginawa ang proklamasyon ng batas militar noong Setyembre 21, 1972—na isang karaniwang pagkakamali.
Explanation:
# you want to may g d
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!