Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang bayan ng Paete ay kilala sa mga ukit na gawa sa kahoy at sa pagtataguyod ng sining na ito. Sa katunayan ang mga likha ng mga mamamayan ng Paete ay hinahangaan sa buong Pilipinas dahil sa mga mataas na kalidad na mga obra. Dahil diyan, tinawag na "Carving Capital of the Philippines" ang Paete, Laguna.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang Paete ay isa nang nayon na pinamumunuan ni Gat Lakampawid, isang katutubong namumuno mula sa sinaunang nayon ng Lihan, isang kamag-anak ni Gat Maitim, Gat Silayan at Gat Pakil, na mga pinuno ng matandang bayan ng Pakil. Nakuha ng bayan ang pangalang Paete nang may isang paring Pransiskano na naatasan ng kanyang superyor na bisitahin ang kanilang mga bagong pamayanan na itinatag sa palibot ng Laguna de Bay. Hindi alam ng pari ang tungkol sa lupain kaya tinanong niya ang isang katutubo kung ano ang pangalan ng lugar. Subalit hindi naintindihan ng katutubo ang tanong ng pari, kaya sinagot niya ito ng Paet kung saan inakala ng katutubo na tinatanong ng pari kung ano ang gamit niyang kasangkapan sa pag-uukit ng kahoy. Kalaunan ay tinawag ng mga Espanyol at ng mga mamamayan nito ang bayan bilang Paete. At noong 1580, ang Paete ay tinatag bilang isang pueblo. Noong 1602 naman, ang Paete ay naging isang independiyenteng bayan na mayroong sariling kumbento at nabinyagan bilang Pueblo de San Lazaro bilang parangal sa unang patron ng bayan.
Alam n'yo ba na matatagpuan sa Saint James the Apostle Parish Church sa bayan ng Paete, Laguna ang dalawang National Treasure ng Pilipinas? Ito ang San Cristobal Painting na likha ni Jose Luciano Dans noong 1850 at ang Juicio Final Painting na ginawa noong 1720.
Patuloy sanang mapangalagaan ng mga mamamayan ng Paete, hindi lamang ang ganda ng simbahan, ngunit pati na rin ang kasaysayan at kultura ng kanilang bayan, lalo’t higit ang ang masigasig na pagtataguyod ng sining ng pag-uukit.
#LagunaHeritage
ANSWER:
ang bayan ng paete sa laguna ay tanyag sa larangan ng"PAGUKIT"
EXPLANATION:
SANA PO MAKATULONG
PA BRAINLEST PO
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.