IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Halimbawa ng Tulang mapagpanuto

Sagot :

Ang tulang mapagpanuto ay isang uri ng tula kung saan nagbibigay patnubay at aral sa mga mambabasa. 

Halimbawa: 

Kung kaligayahan ay hanap
Dapat kang magsikap
Magsimula sa pag-aaral
Upang makapagtrabaho ng marangal

Magtrabaho ng tama
Ibigay ang lahat ng makakaya
Siguraduhing maging pantay sa kapwa
Upang bawat isa ay maligaya.

Ang kaligayahan ay simple lamang
Puso ay lagyan ng puwang
Para sa mga bagay na kulang
At simpleng kaligayahan ay ipagdiwang.