Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ibig Sabihin Ng Sawikain Na "Itaga Mo Sa Bato"
Ang "itaga mo sa bato" ay isang sawikain. Ito ay madalas sinasambit ng isang tao kung nagbibigay ng pangako. Ang ibig sabihin nito ay tandaan. Pakatandaan ang sinumpang pangako dahil hindi ito mababali o hindi masisira kailanman. Ito ay isang matibay na pangako gaya ng isang bato. Anuman ang mangyari ay hindi ito mababago.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang sawikain na "itaga mo sa bato" sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa.
- Itaga mo sa bato na ang pag-ibig ko sayo ay hindi magbabago.
- Nais kong itaga mo sa bato na alay ko sayo ang buong buhay ko.
- Itaga mo sa bato na ako ay magiging kaibigan mo hanggang sa tumanda tayo.
Ano ang sawikain?
Ang sawikain ay tinatawag din na idyoma. Ito ay salita o grupo ng salita na matalinghaga. Ang kahulugan ng mga sawikain o idyoma ay hindi tuwiran. Malalim ang kahulugan ng mga ito. Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain at ang kanilang kahulugan.
- luha ng buwaya - pagkukunwaring pagdadalamhati
- kumagat sa pain - nalinlang, naloko, naniwala
- nagbibilang ng poste - walang trabaho
- may gintong kutsara sa bibig - mayaman
- pantay ang paa - patay na
Karagdagang kahulugan at halimbawa ng sawikain:
https://brainly.ph/question/2930649
https://brainly.ph/question/352982
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.