Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Awiting Panudyo at Halimbawa Nito
Ang awiting panudyo ay tinatawag din bilang tugmang panudyo. Ito ay isang uri ng akdang patula o pakanta na ang pangunahing layunin ay manudyo o mang uyam. Ito ay nagtataglay ng sukat at tugma.
Narito ang ilang halimbawa ng awiting panudyo:
1. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
2. Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, Mama, namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.
Ale, Ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
3. Pedro Penduko
Matakaw ng tuyo
Nang ayaw maligo
Pinukpok ng tabo
Para sa halimbawa pa, bisitahin ang link:
https://brainly.ph/question/1956437
#BetterWithBrainly
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.