Ang pagiging matiyaga ay isang katangian na kung saan ang isang tao ay nag titiis para mapagtagumpayan ang kanyang dapat tapusin. Halimbawa nito ay ang pag aaral, nagiging matiyaga ang isang iestudyante para lang matapos niya ang kaniyang pag-aaral. Ngunit ano nga ba ang mga karanasan o nararanasan ng isang pagiging matiyaga? Ito ay ang mga sumusunod:
(a) Pagkapagod – ang pagiging matiyaga ay talagang nakakapagod na bagay. Maraming ginagawa para lang matapos ang gusting tapusin.
(b) Pagkagutom – nakakaranas din ang mga taong matitiyaga ng ng gutom. Halimbawa nito ay ang mga trabahador, dahil minsan sa kakapusan ay nagtitiyaga sila na magtrabaho para lang masustentuhan ang kanilang pamilya at matugunan ang kanilang gutom.
(c) Hadlang – nakakaranas din ang isang taong matiyaga ng isang hadlang o balakid sa kanyang dapat tapusin. Ito ay nagiging pagsunok ng isang tao upang malaman kung talaga bang matatag siya.
(d) Tagumpay – Ito ang huling na nararanasan ng pagiging matiyaga. Makakamit na niya ang tagumpay kung malalagpasan niya ang mgahadlang na masasagupa niya.