Answered

IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

magbigay ng 5 halimbawa ng pangangalaga sa anyong lupa at tubig

Sagot :

Ang Pilipinas ay mayaman sa mga anyong lupa at tubig kaya dapat pangalagaan ang mga ito. Ang halimbawa ng pangangalaga sa anyong lupa at tubig ay ang pagtapon ng basura sa tamang basurahan. Marami pang paraan upang mapangalagaan ang mga anyong lupa at tubig. Ang 5 halimbawa ng pangangalaga sa anyong lupa at tubig ay nasa ibaba.

5 Halimbawa ng Pangangalaga sa Anyong Lupa at Tubig

Sa anyong lupa:

  • Isang wastong pangangalaga sa mga anyong lupa ay ang hindi pagtatapon ng basura kahit saan. Hindi dapat magtapon ng basura sa mga bundok, burol at bulkan na binibisita natin bilang mga turista. Ito ay isang simpleng paraan na maaaring gawin ng kahit na sino sa atin.
  • Isa ring paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa anyong lupa ay ang hindi pagsusunog at pagpuputol ng mga puno sa mga anyong lupa.
  • Mas maigi na mag-alaga ng sariling hardin sa ating bakuran.

Sa anyong tubig:

  • Isang halimbawa ng pangangalaga sa anyong tubig ay ang hindi pagtatapon ng basura (kagaya ng plastic, diaper, straw) sa mga ilog, dagat, at ibang anyong tubig. Ito ay isang paraan na maaaring gawin ng bawat isa sa atin, lalo na iyong mga mamamayan na naninirahan malapit sa ilog.
  • Isa pang halimbawa ay ang hindi paggamit ng mga dinamita kapag nangingisda dahil sumisira ito ng buhay ng mga isda at ng buhay iba pang kayamanan sa ating mga anyong tubig.

Iyan ang 5 halimbawa ng pangangalaga sa anyong lupa at tubig.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:

Ano ang iba't ibang anyong lupa? https://brainly.ph/question/89127

Kahulugan ng anyong tubig: https://brainly.ph/question/695665 at https://brainly.ph/question/1523543