Makakuha ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Para sa akin bilang isang anak, kapatid, estudyante at higit sa lahat bilang isang Pilipino ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga akda ni Rizal partikular na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay upang bigyang pagpupugay ang ating pambansang bayani. Bigyang tuon ang kagitingang kanyang ipinakita sa kabila ng mga ginawa sa atin ng mga mananakop. Una sa lahat ang mga nobela ni Rizal ang unang gumising sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino, ito ang nagdilat sa mga mata ng ating kababayan sa kung ano talaga ang nangyayari sa atin at sa inang bayan natin. Pangalawa, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay parte ng ating makulay na kahapon, isa ang mga akdang ito sa nagpatingkad ng ating kasaysayan. Ito ang nagsilbing inspirasyon at lakas sa ilan pa nating magigiting na bayani upang ipaglaban ang anuman na dapat ay para sa atin. Pangatlo, may malaki itong ginampanan sa buhay ng bawat isang Pilipino, ang mga aral na mapupulot dito ay maaari nating magamit hindi lamang ngayon ngunit hanggang wakas ng ating buhay na maaari pa nating maipasa sa mga susunod na henerasyon pang daraan. Napakaraming aral ang maaari nating mapulot sa mga nobela ng ating bayani. Sa Noli Me Tangere ang aral na mapupulot natin ay ang hindi paggamit ng anumang dahas gaano man kalaki ang nagawang kasalanan ng ibang tao sa atin. Isa pa ang napakamakapangyarihang mensahe ni Rizal mula pa rin sa kaniyang Noli ay ang ‘hindi paglalagay ng batas sa ating mga kamay’, para sa akin ito ang mensaheng kumatawan sa buong nobela. Napakagandang isipin na sa kabila ng mga nagawa ng mga kastila at pagpapakita ng kasamaan ng mga dominikong pari kay Rizal ay ni minsan hindi niya nagawang saktan o pisikalin ang mga ito. Bagamat dawit sa kanyang mga nobela ang mga prayle ay nagsaad lamang siya ng katotohanan. Sa nobela naman niyang El Filibusterismo bagamat bunyag na sa titulo ang nais o patutunguhan ng kwento ay may masasalamin pa rin tayong aral dito. Sa nobela nagbalik si Juan Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun na isang mayamang mag-aalahas at tagapayo ng Kapital Heneral. Ang aral na nangingibabaw sa nobela ay ‘sa kabila ng mga kasalanan na ating nagawa sa katapus-tapusan ng araw ay babalik pa rin ang loob natin sa Poong Lumikha’ napakaganda ng bawat tagpo sa nobela kung hihimayin ang bawat paksa dito. Ito ang mga dahilan ko para masabi na mahalaga ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.