Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Mga tauhan sa Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sagot :

Ang mga tauhan sa Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
1) Maghan Sundiata aka Mari Djata – ayon sa hula, siya ay nakatakdang magiging isang makapangyarihang pinuno. Hindi pa nakakalakad sa edad na pitong taon.
2) Haring Maghan Kon Fatta ng Mali – Ama ni Maghan Sundiata
3)Sogolon Kadjou – Ina ni Maghan Sundiata, Ikalawang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta
4)Sassouma Bérété – Unang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali. Nagpalayas sa pamilya ni Sundiata ng namatay ang hari.
5)Dankaran Touma – Anak ng Haring Maghan Kon Fatta at ni Sassouma Berete; Naging hari ng Mali sa pagkamatay ng ama.
6) Farakourou – pinakamahusay na panday sa Mali
7) Balla Fasséké - anak ni Gnankouman Doua, siya ang tumungo kay Farakourou upang hingin ang mga bakal na hiniling ni Maghan Sundiata
8) Manding Bory – Kapatid ni Sundiata sa ikatlong asawa ng Haring Maghan Kon Fatta. Matalik na kaibigina ni Sundiata 
9) Soumaoro – ang mapangdigmang hari ng Sosso na sumakop sa Mali. Tinalo ni Sundiata sa pamamagitan ng pag pana nito.