Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang katangian ng isang huwarang mag aaral? essay

Sagot :

          Ang pagiging magalang at masunurin ay hindi sapat upang maituturing huwaran ang isang mag-aaral. Ang kaugalian at totoong katangian ng  isang mag-aaral ay dapat isaalang-alang.
        Ang isang huwarang mag-aaral ay may mga kaaya-ayang mga katangian at inaabangan ang pagbabahagi ng mga  malikhaing karanasan sa iba. Siya ay nakatuon sa kanyang kurso o layunin. Alam niya ang sarili at  ang kanyang mga kalakasan at kahinaan. Siya ay magiliw sa kanyang mga gawain. Ang gusto niya hindi lang ang mga yunit, marka o pagpasok sa klase kundi karanasan. Siya ay naghanap ng isang malalim na personal na  karanasan  upang umunlad at malinang ang kanyang potensiyal. Nakahandang dumiskarte sa mga pagsasanay na ibinigay sa kanya hindi alintana ang mga maaaring mangyaring negatibo sa kanya sa halip, bukas siya sa mga maaari niyang matututunan. Siya ay kalmado kahit siyay napailalim sa presyun ng kanyang mga gawain at masidhing mga sitwasyon. Siya ay maparaan. Hindi siya nasisiraan ng loob sa mga hadlang at mga kakulangan ng mga mapagkukunan sa halip, positibo niya itong tinanggap at ginawang inspirasyon upang gumawa ng paraan upang magkaroon ng sapat na mapagkukunan. Higit sa lahat, siya ay may nais na mapatupad ang kanyang kagustuhang umunlad at gumawa ng makatotohanan at patas na resulta sa lahat ng kanyang gawain sa paaralan.