Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku ? ano ang nais ipaliwanag nito ?


Sagot :

Ang karaniwang paksa ng tanka at haiku ay hindi pareho. Ang karaniwang paksa ng mga tanka ay tungkol sa damdamin ng tao at kabiguan sa pag-ibig. Sa kabilang banda naman, ang karaniwang paksa ng mga haiku ay tungkol sa ating kalikasan at mundo. Ang mga paksang iyan ang ipinapaliwanag ng mga tanka at haiku.

Kahulugan ng Tanka at Karaniwang Paksa ng Tanka  

  • Ang tanka ay karaniwang sinusulat nang may limang taludtod. Ang pantig ng mga taludtod ay 5-7-5-7-7.
  • Ang karaniwang paksa ng tanka ay ukol sa tradisyonal na pagpapahiwatig ng mga damdamin ng tao kagaya ng pag-ibig at kabiguan sa pag-ibig.

Kahulugan ng Haiku at Karaniwang Paksa ng Haiku

  • Ang haiku ay isang maikling tula na may tatlong taludtod. Ang pantig sa mga taludtod ay 5-7-5.
  • Ang karaniwang paksa ng haiku lalo na sa Japan ay tungkol sa kapaligiran kagaya ng niyebe, mga bulaklak, mga ilog, at iba pa.

Karagdagang Kaalaman tungkol sa mga Tanka at Haiku

Narito ang tatlo pang karagdagang kaalaman tungkol sa mga tanka at haiku:

  1. Ang tanka ay mas matanda sa haiku.
  2. Sa Wikang Hapon, ang tanka ay karaniwang sinusulat lamang sa isang mahaba at diretsong linya na may 31 na kabuuang pantig. Samantala, sa ibang mga wika, ang tanka ay karaniwang hinahati sa limang taludtod na may pantig na 5-7-5-7-7.
  3. Ang mga haiku ay karaniwang may mas malalim na kahulugan. Hindi literal ang pagtrato sa mga ito.

Iyan ang karaniwang paksa ng tanka at haiku. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang kahulugan ng tanka: https://brainly.ph/question/50539
  • Ano ang kaibahan ng tanka at haiku: https://brainly.ph/question/454881
  • 10 halimbawa ng tanka: https://brainly.ph/question/936359