Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
PANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik na tamang sagot. Isulat ang iyong mga sagot sa kwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao?
A. Puhunan C. lupa
B. Sarili D. pamilya
2. Ang kakapusan ay nararanasan ng lahat.
A. Tama, dahil laging kulang ang pera para sa pangangailangan.
B. Tama, dahil ang kakapusan ay bahagi ng buhay
C. Mali, ang isang tao ay maaaring hindi kapos dahil gumastos lamang siya batay
sa kanyang pantustos.
D. Mali, ang mga mayaman ay hindi nakakaranas ng kakapusan.
3. Ang pagbayad ng buwis ay __________________.
A. Obligasyon sa pamahalaan
B. Bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan
C. Pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan
D. Pinagkukunang yaman
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng pag-iimpok (savings).
A. Kita (Income) – gastusin (Expenses)
B. Kita = impok
C. Kita + Kita = impok
D. Kita – impok = gastusin
5. Ang kita sa negosyo ay kitang personal ng may-ari ng negosyo
A. Tama, sa tubo kumikita ang negosyante
B. Tama, hindi niya kailangang bayaran ang kanyang sarili
C. Mali, iba ang bayad sa sarili at iba ang tubo sa negosyo
D. Mali, ang tubo sa negosyo ang bayad niya sa kanyang sarili
6. Alin sa sumusunod ang tamang paggastos ng kita?
A. Pagbili ng mga pangangailangan
B. Magtabi ng ilang porsyento ng kita bilang impok bago gastusin ang kita sa mga
kagustuhan
C. Ilagak ang lahat ng kita sa negosyo
D. Magtabi ng ilang porsyento ng kita bilang impok bago gastusin ang kita sa mga
pangangailangan.
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na asset
A. Bahay at Lupa C. Appliances
B. Alahas D. Time Deposit
8. Ang Lahat ng Uri ng Utang ay nagpapahirap.
A. Tama, hindi dapat mangutang dahil ito ay mali.
B. Tama, ang may utang ay mahihirapan sa pagbabayad ng interes
C. Mali, pweding mangutang upang ipambayad ng utang.
D. Mali, may mga utang na kailangan upang mapalago ang negosyo o investment.
Subukin 3
9. Ang susi sa paglaya sa kakapusan ay
A. Ang matalinong pamamahala ng iyong kita.
B. Pagbili ng assets
C. Magpautang upang tumubo
D. Pagtitipid
10. Ang pagtatabi ng mga ilang bahagi ng kita para sa hinaharap
A. Pagkonsumo C. Pagbabadyet
B. Pag-iimpok D. Pamumuhunan
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.