IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Ang aking tungkulin sa inang kalikasan

Sagot :

Answer:

Sa panahon ngayon, nakararanas tayo ng maraming kalamidad o mga sakuna tulad ng baha, landslides, flashfloods, at marami pang iba na makakasama sa ating kapaligiran at kalikasan. Maaring isang epekto nito ay ang kapabayaan ng mga tao sa kalikasan o kapaligiran. Nilikha tayo ng Diyos bilang kanyang kawangis at tagapangalaga ng kalikasang kanyang nilikha. Kaya responsibilidad natin ang alagaan ang mga likas na yaman.

ILAN SA MGA TUNGKULIN NG TAO BILANG TAGAPANGALAGA NG KALIKASAN

Itapon ang mga basura sa tamang basurahan/lalagyan. Paghiwalayin ang mga nabubulok sa hindi-nabubulok. Isapuso ang 3R's na nangangahulugang Reduce, Reuse at Recycle. Pag-iwas sa pagtatapon ng mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.

Magtanim ng mga halaman at mga puno. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng mga lupa na kung tawagin ay "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. Dahil sa mga puno may nalalanghap tayong sariwa at preskong hangin upang tayo ay mabuhay. Sa mga puno at halaman rin nanggagaling ang oxygen na kailangan ng tao.

Bawasan ang mga sasakyang naglalabas ng maiitim na usok. Ito ay nagiging sanhi ng malubhang polusyon sa bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap ay napapalitan ng maruming hangin dala ng mga sasakyan at mga pabrika.  

Umiwas sa mga ilegal na gawaing pang-kalikasan tulad pagmimina, at pagkakaingin.

Umiwas sa mga pang-aabuso sa lupa, tulad ng reforestation at deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuhuli ng mga hayop upang ibenta.  

Umiwas sa dynamite fishing, cyanide fishing at muro-moro system na ginagamit ng mga mangingisda dahil sa mga gawaing ito ay marami na ang mga nasisira at namamatay na mga likas na yamang tubig.  

Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat natin pinapabayaan at pinagwawalang bahala, dahil dito rin nakasalalay ang ating mga buhay. Kaya lahat tayo ay dapat na magtulungan at magkaisang mangalaga at magpanatili ng kaayusan at kagandahan ng ating kapaligiran. Huwag na nating hintaying kalikasan na ang gumanti ng dahil sa ating mga kapabayaan.

Para sa karagdagan pang Kaalaman  

Pangangalaga sa Kapaligiran/Kalikasan: brainly.ph/question/5219  

Repleksyon ng Pangngalaga sa Kapaigiran/Kalikasan: brainly.ph/question/1265261

#LetsStudy