IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang League of the Nations (LN) ay ang unang intergovernmental na samahan na ang pangunahing layunin ay ang mapanatili ang kapayapaan sa mundo. Itinatag ito noong Enero 10, 1920 sa Paris Peace Conference. Itinatag ito matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig at makikita rin ito sa isa sa mga bahagi ng Treaty of Versailles. Ang liga ay natapos noong Abril 18, 1946 matapos nitong isalin ang kapangyarihan at responsibilidad sa United Nations (UN).
Karagdagang detalye
Si Pangulong Thomas Woodrow Wilson ng Amerika ay kinikilalang kauna-unahang nangampanya para sa paglika ng isang international na liga. Sa United Kingdom, itinatag nina Goldsworthy Lowes Dickinson at Lord Bryce ang Bryce Group, na kalaunan ay pinalitan ang pangalan ng League of Nations Union. Tulad ng nakasaad sa kasulatan nito, ang mga kasapi ay kailangang makipagtulungan sa pag-iwas sa mga digmaan sa pamamagitan ng kolektibong seguridad at pag-areglo ng mga internasyonal na bansa upang hindi na mapalaki ang mga hidwaan gamit ang negosasyon at arbitrasyon.
Tinalakay din dito ang mga sumusunod:
Kondisyon sa mga manggagawa
Pagtrato sa mga katutubong residente
Human trafficking
Pangangalakal ng armas
Pagtrato sa bilanggo ng digmaan at
Proteksyon sa minorya sa Europa
Nagkaroon ng total na 58 bansa ang nakilahok sa League of Nations sa pagitan ng taong 1920 hanggang 1939. Ang kredibelidad ng samahan ay humina sapagkat ang Estados Unidos ay hindi sumali habang ang Soviet Union naman ay napatalsik matapos nitong salakayin ang Finland. Unti-unting umalis ang mga bansa gaya ng Germany, Japan, Italy, Spain at iba pa. Ito na ang naging simula ng unang digmaang pandaigdig, patunay na ang layunin ay hindi nagtagumpay na palaganapin ang kaayusan sa internasyonal na samahan. Ang liga ay tumagal ng 26 na taon at pinalitan ito ng United Nations (UN) matapos ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Karagdagang kaalaman
How was the league of nation formed?: brainly.ph/question/1254808
Bakit nabigo ang league of nations: brainly.ph/question/2153360
Explanation:
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.