IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
1. Editorial Cartooning Kuya Ronel TST JournSem 2012 Agosto 29, 2012 San Ildefonso, Bulacan
2. Ano ang Editorial Cartoon?• Isang anyo ng political cartoon na nakabatay sa isang isyu, isang opinyon o isang pangyayaring napapanahon;• Ito ay karaniwang gumagamit ng paraang caricature kung saan ay inilalagay na nakakatawa ang isang pangyayari/sitwasyon;• Gumagamit din ito ng mga representasyon para ilarawan ang isang isyu, opinyon o pangyayari.
3. Ano ang Editorial Cartoon?• Ito ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang maipaalam sa pinakamaraming mambabasa ang isang isyu, opinyon o pangyayari;• Ito ay isang nakakaaliw at mabilis na paraan para maghatid ng mensahe sa mga mambabasa;• Ito ang pinaka-exciting na bahagi ng dyaryo* *- pauso ko lang yun.
Ano ang Nilalaman ng isang Editorial Cartoon?• Mensahe• Drowing• Opinyon• Pangyayari• Isyu• Paninindigan (Posisyon) ng Editorial Board
5. Ano ang Halaga ng isang Editorial Cartoon?• Kung gaano kahalaga ang editoryal ng isang pahayagan ay gayundin kahalaga ang editorial cartoon;• Kinakatawan nito ang opinyon ng patnugutan;• Ito ang “puso” ng pahayagan (kung ang editoryal ang “utak” nito.)
6. Bakit “Puso”?• ‘Di kailangang basahin;• Kailangang unawain;• Iba’t-ibang interpretasyon sa iba’t-ibang tao.
7. Sino ang gumagawa ng Editorial Cartoon?• Hindi Editorial Artist;• Hindi lang basta Cartoonist;• Kundi, isang Journalist.
8. Paano ginagawa ang isang Editorial Cartoon?• Kailangang magbasa tungkol sa isyung gagawaan ng editorial cartoon;• Dapat ay mapalawak ang kaalaman tungkol sa isyu;• Kailangang may matibay na background para sa gagawing opinyon.
9. Paano ginagawa ang isang Editorial Cartoon?• Mag-isip ng isang representasyon sa isyung igagawa ng cartooning;• Gumamit ng mga karakter at mga tanawing madaling maunawaan;• Magdrowing;
10. Paano ginagawa ang isang Editorial Cartoon?• Husgahan ang sariling drowing;• Ilagay ang sarili bilang mambabasa;• Ulitin ang drowing kung kinakailangan;
11. Paano ginagawa ang isang Editorial Cartoon?• Konsultahin ang Editorial Board sa nilalaman ng drowing;• I-finalize ang drowing;
12. Simple?Narito pa ang ilang halimbawa:
13. Cha-cha at mga Serbisyong Medikal
14. Laban ni Manny P.
15. On Boycott of Chinese Products
16. Si Madam Senyora Donya Gloria:
17. Subukan naman natin na gumawa ng Editorial Cartoon• Reproductive Health Bill• Epekto ng Habagat• Bagong Talagang Punong Mahistrado
18. Panuntunan sa paggawa ng Editorial Cartoon• Mayroon kayong labinlimang minuto (15 minuto)• Ang unang makatapos ay may premyo;• Ang huling makatapos ay may natapos.
19. Gusto pa ba ninyo?
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.