IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Bilang isang mag-aaral, paano mo masasabi na nawawala na ang pananalig mo sa Diyos?
Masasabi ko na nawawala na ang pananalig ng isang tao sa Diyos kung ang buhay niya ay bumabalik sa dating nakagawian, ligaw siya, walang kabuluhan ang kaniyang mga ginagawa at hindi binabahagi ang mga nalalaman tungkol sa Diyos at Bibliya.
Buhay ay bumabalik sa dating nakagawian
Kapag buo ang pananalig mo sa Diyos, buong buo ring magbabago ang iyong buhay. Ngunit dahil nawawala ang iyong pananalig ay babalik ka sa dating nakagawian. Halimbawa ay bumalik ang isang tao sa pagnanakaw at paninigarilyo dahil nawawala na ang pananalig niya sa Diyos.
Ligaw na ang landas
Ligaw na ang landas ng buhay ng taong hindi nananalig. Mawawalan ng saysay ang kaniyang buhay at hindi alam kung saan ang papupuntahan.
Walang kabuluhan ang kaniyang ginagawa
Dahil ligaw at nawala ang pananalig, mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang ginagawa. Ang kaniyang kilos, pag-iisip at pananalita ay hindi para sa kapurihan ng Diyos.
Hindi binabahagi ang nalalaman sa Diyos at Bibliya
Ang isang indibidwal na nawalan ng pananalig ay nawawala rin ang nalalaman tungkol sa Bibliya. Malalaman mo na lamang kung ang bukambibig niya ay makamundong bagay at wala na itong binabahaging Magandang Balita.
____________
#CarryOnLearning
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.