Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

iba't ibang bahagi ng pangkasarian ng babae at lalaki


Sagot :

Mahalaga na malaman ng isang Babae at Lalaki ang mga bahagi ng kanyang kasarian. Ito ay makakatulong sa kaalaman at pag-unawa sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili.

BAHAGING PANGKASARIAN NG BABAE

1. Bahay-bata o uterus - hungkag at higis-peras na nasa gawing ibaba ng puson. Ito ay kasinlaki ng kamao na ang haba ay tatlong pulgada at ang lapad ay dalawang pulgada. Ito ay tinatawag na matris.

2. Obaryo o ovary - matatagpuan sa magkabilang panig ng matris. Ito ang gumagawa at nagtataglay ng mga itlog o ova na isa-isang nahihinog at lumalabas sa obaryo minsan sa isang buwan

3. Anurang-itlog o fallopian tube - dalawang tubo na hugis sungay na nagsisilbing daanan ng itlog na galing sa obaryo patungong bahay-bata.

4. Kaluban - isang kalamnang tubo na ang haba ay mula apat hanggang anim na pulgada mula sa panlabas na bahagi ng ari hanggang sa liig-liigan ng bahay-bata. Ito rin ang daanan ng sanggol sa panganganak.

BAHAGING PANGKASARIAN NG LALAKI

1. Testes - dalawang glandulang gumagawa ng sihay-punlay.

2. Epididymis - lugar kung saan naiipon ang mga punla habang nasa loob ng katawan; matatagpuan ito sa likod ng testes.

3. Anurang-punlay - isang tubong may 18 pulgada ang haba at nakadikit sa dulo ng epididymis; ito ang dinadaanan ng semilya.