IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Ang mga bahagi ng Liham
- Pamuhatan
- Bating Panimula
- Katawa ng liham
- Bating Pangwakas
- Lagda.
- Pamuhatan
Ito ang bahagi ng liham kung saan ito ay naglalaman ng address/tirahan ng sumulat at ang petsa kung kalian ito isinulat.
- Bating Panimula
Ang bahagi ng liham kung saan makikita ang magiliw na pagbati ng sumulat sa kanyang sinulatan.
- Katawa ng liham
Ito ang bahagi ng liham kung saan ito ang pinakadiwa ng liham o nilalaman, dito mababasa ang paksa ng liham kung ano ang nais iparating ng sumulat sa kanyang sinulatan.
- Bating Pangwakas
Dito mababasa ang magalang na pamamaalam ng sumulat halimbawa “ Iyong Kaibigan” Labis na Nagmamahal” Labis na Umasa”
- Lagda.
Ito ang bahagi ng liham kung saan makikita mo ang pangalan at lagda ng sumulat.
Mga ibat ibang uri ng liham
- Liham pangangalakal- ito ay isang uri ng liham na pormal,maikli, tiyak at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay kalakal. Isinasaad dito ang paksang tulad ng hanapbuhay o negosyo.
- Liham aplikasyon uri ng liham ng pag a apply ng trabaho sa isang opisina o tanggapan mapa pulbilko man o pribadong kompanya.
- Liham paanyaya- uri ng liham na nag aanyaya maaring pag aanyaya sa gaganaping kasiyahan katulad ng kaarawan, kasal at iba pa.
- Liham pasasalamat- uri ng liham kung saan may nais kang pasalamatan,
- Liham pagtatanong – uri ng liham kung may nais kang malaman, maaring tungkol sa resulta ng isang bagay.
- Liham pagbati- uri ng liham kung saan may nais kang batiin o nais mong iparating ang iyong pagkatuwa sa natamong maganda ng iyong kaibigan o mahal sa buhay.
- Liham paumanhin- Liham paumanhin ay uri ng liham kung nais mong humingi ng pasensya o sorry sa isang tao kaibigan o mahal sa buhay.
- Liham pakikiramay – uri ng liham kung saan madalas na ipinadadala sa mga taong namatayan, upang iparating ang iyong pakikiramay.
- Liham pagtanggi – uri ng liham na kalimitang tugon sa liham paanyaya, kung hindi ka makakapunta sa isang imbitasyon sa iyo.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Mga halimbawa ng liham pasasalamat (mahabang liham) https://brainly.ph/question/100775
https://brainly.ph/question/879130
Halimbawa ng liham pangkaibigan
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.