IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Talasalitaan:
- bahaghari
- haligi
- parusa
- sagisag
- sira
Ang bahaghari ay tumutukoy sa makulay na hugis arko na nakikita sa kalangitan matapos ang mahabang pag - ulan. Noong panahon ni Noah sa lumang tipan sa Bibliya, ang bahaghari ay ang ibinigay na palatandaan ng Diyos na ang mahabang unos ay tapos na.
Ang haligi ay tumutukoy sa balangkas ng gusali o tahanan upang ito ay maitayo ng matuwid at may tibay. Ito ay karaniwang sumisimbolo sa mga ama ng tahanan.
Ang parusa ay tumutukoy sa mga bagay na ibinibigay sa mga taong nagkasala sa batas bilang kapalit ng mga maling gawi o masamang gawain. Karaniwan, ang mga binibigyan ng parusa ay yaong mga nagnakaw, nakapatay ng kapwa, nandaya, nakiapid, nanakit o nang abuso, at lumabag sa mga ordinansa ng isang lugar kung saan siya kabilang. Ang halimbawa ng parusa ay pagkakakulong ng pang habang buhay.
Ang sagisag ay isang bagay na maaaring magrepresenta, tumayo o kaya naman ay magpahiwatig ng isang aksyon, bagay, ideya, larawan, o paniniwala. Ang halimbawa ng sagisag ay ang watawat ng Pilipinas.
Ang sira ay maaaring mangahulugan ng pinsala o pagwasak depende sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Ang halimbawa ng sira ay ang pagkabungi ng ngipin, pagkawala ng paningin, kawalan ng litrato o display ng telebisyon, at pagkaligaw ng landas ng mga kabataan dulot ng droga at ng mga masasamang impluwensya.
Upang matuto ng higit pa ukol sa mga talasalitaang ito, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/148971
https://brainly.ph/question/168899
https://brainly.ph/question/167187
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!