IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang mga kultura at tradisyon ng mga igorot?

Sagot :

Kultura at Tradisyon ng mga Igorot

Ang Igorot ay isang primitibong pangkat etniko sa Pilipinas. Ang kultura at tradisyon ng mga Igorot ay popular dahil sa kanilang mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamgitan ng mga root crops at sa maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Komunikasyon

May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ito ay pinagsisikapang i-preserba ng Gobyerno upang mapanatili ang lahi nila.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Kostumbre

Pamilyar tayo sa kanilang pananamit. Sa kanilang kasuotan, ang mga babae ay nag susuot ng mga makukulay na patadyong o mahahabang palda, nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at palayok sa ulo. Ang mga lalaki naman ay naka-bahag.

Mahalaga sa kanila ang may mga ""tattoo"" sa katawan yamang may sinisimbolo ito sa katapangan at reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila ay maingat sa pagpili ng makabagong mga pananamit. Yamang pinalalaki silang higit na mahalin ang kanilang kostumbre.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Hanap-buhay

Mayroon lamang simpleng pamumuhay tulad ng:

  1. pagtatanim at pag-aani
  2. pangangalakal
  3. pangangahoy
  4. pangangaso
  5. pagtitinda
  6. paghahabi
  7. pagsasaka.

Ang mga Root Crops na kanila mismong pangunahing pagkaian ay kanila din mismong itinatamin gaya ng kamote, mais, patatas, carrots, gabi at mga prutas na matatagpuan sa kagubatan.

Malaking bahagi ng kanilang pamumuhay ang mga kabundukan at iba pang yamang-lupa.  Kasing halaga ng kanilang kontribuyson sa mundo na Banaue Rice Terraces o Hagdan-hagdang Palayan.

Pero sa ngayon, marami sa mga kabataang Igorot ang pumapasok na sa paaralan. At ang ilan sa kanila ay nagtatapos sa mataas na digri sa kolehiyo. Kaya inaasahan na ang kanilang uri ng karera na pinipili ay sumasabay sa agos ng modernisasyon. Ang ilan sa kanila na nakapagtapos ay bumabalik upang tulungan ang kanilang angkan sa higit na pagpapayaman ng kanilang lupain.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Relihiyosong Paniniwala

Katulad ng iba pang etnikong grupo, ang mga Igorot ay mayaman din sa mga ritwal. Marami sa kanilang mga dasal ay patungkol sa pagliligawagan, pag-aasawa at pag-aanak. Mayroong mga bahagi dito ang mga espiritu na inaakala nilang nagliligtas sa isa.

Maliban doon, ang pakikidigma, debosyon sa pagsamba, pagpili ng karera o paglalakbay ay mayroong listadong mga dasal o orasyon na kailangang gawin sa pamamagitan ng kanilang lider.

Bagaman ang Pilipinas ay nasakop ng Espanyol sa napakahabang panahon, napanatili ng Igorot na malaya sa kanilang impluwensya. Ang dahilan ay ang pagiging bulubundukin ng kanilang lugar. Nahadlangan na sakupin sila o siluin man lamang ng mga panghihikayat.

Pinagmulan ng mga Igorot

Ang salitang Igorot ay ipinangalan ng mga Espanyol sa etnikong grupong ito bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Ito ay mula sa: "Golot" o mountain chain, ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping "I"  na nangangahulugang "nakatira sa". 

Sila ay naninirahan sa may Cordillera, sa isla ng Luzon. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) na matatagpuan sila. Ang mga ito ay ang:

  • Abra
  • Apayao
  • Benguet
  • Ifugao
  • Kalinga
  • Mountain Province

Karagdagang Impormasyon

Makikilala mo pa ang mga Igorot sa kanilang katangian, basahin ito sa https://brainly.ph/question/309767 at https://brainly.ph/question/345249.

Nalilito ang ilan sa mga Igorot at Badjao, basahin ang pagkakaiba nila sa https://brainly.ph/question/1996345.