Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Alegorya ng Yungib:
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na isinulat ni Plato na tumatalakay sa edukasyon at katotohanan. Sa sanaysay na ito ginamit ni Plato ang tao sa yungib bilang representasyon ng kabuuan ng tao. ghinamit ni Plato ang sanaysay na ito upang ipaliwanag ang mahahalagang natutunan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.
Upang lubos na maunawaan ang Alegorya ng Yungib, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/127911
Bakit tinawag na bilanggo ni Plato ang mga tao sa yungib?
Tinawag na bilanggo ni Plato ang sangkatauhan na kinakatawan ng mga tao sa loob ng yungib sapagkat sila ay tila nakabilanggo sa kanilang kawalang alam o kamangmangan. Inihambing niya ang sangkatauhan sa mga tao na nasa loob ng yungib na nakagapos at tila hindi makagalaw sa kanilang kinalalagyan. Ang tanging paraan upang maging Malaya ay ang kusang paglabas mula sa yungib patungo sa liwanag.
Bilang karagdagan, sinabi ni Plato na ang mga tao ay likas na matalino kaya lamang may mga pagkakataon na hindi nagagamit ng tao ang kanilang karunungan sapagkat kulang sila sa pangangatwiran. Kaya naman nananatili silang bilanggo sa mga mali nilang katwiran at baluktot na paniniwala. Anuman ang kanilang maisip ay ang siya nilang pinaniniwalaan kaya nananatili silang tila bulag sa katotohanan abingi sa katwiran.
Bukod dito, sinabi ni Plato na ang mga tao ang naglilimita ng kanilang mga sarili na tulad ng mga bilanggo. Ang pagpili at paggawa ng desisyon na makapag – aral ay nasa tao lamang. Maraming tao sa mundo ang may kakayahang mag aral ngunit mas piniling magbulakbol at magpabaya sapagkat nakukuha na nila ang kanilang mga gusto kahit hindi magbanat ng buto. Hindi nila nakikita ang kahalagahan ng pag aaral at pagtatapos.
Upang lubos na maunawaan ang mga pananaw ni Plato, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/144430
https://brainly.ph/question/152784
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.