Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ang doktrinang laissez-faire?

Sagot :

Answer:

Ang Doktrinang laissez-faire ay isang salitang Pranses na nangangahulugang "pabayaan na lamang ang mga bagay" o "padaanin na lang"; mula sa orihinal na pariralang "laissez faire, laissez passer" o "bayaan lang, padaanin." Isa itong prinsipyo o paniniwala ng pagpapaubaya o pagpayag na bayaan na lamang ang mga suliranin na humanap ng sariling katugunan na hindi pinakikialaman ninuman o ng anuman. Bilang isang doktrina o paniniwalang pangekonomiya, hindi pinapayagan ng prinsipyong ito ang pakikiaalam ng pamahalaan ng estado, bayan o bansa sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya.