IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang problemang dumarating sa ating buhay ay isa lamang pagsubok na ibinibigay sa atin. Dumarating ang mga pagsubok upang masukat ang ating katatagan at katibayan, gayundin ang ating pananampalataya sa Panginoong Diyos. Kinakailangan nating maging matatag dahil tanging ang ating sarili lamang ang maaring makatulong sa atin. Bagama't may mga taong handang tumulong, sila ay nariyan upang sumuporta lamang at magbigay ng gabay dahil sa huli, tanging tayo ang makakapgdesisyon ng nararapat gawin.
Sa tuwing may pagsubok na dumarating at ito ay nalalagpasan natin, tayo ay as tumitibay at tumatatag. Hindi man madali lagpasan ang bawat pasubok, kung mayroon tayong pinaniniwalaang Diyos, lahat ay makakayanin natin kahit tayo ay magisa lamang. Mayroong mga motibasyon na maaring isipin kung nadaan sa isang pagsubok na pwedeng makapagpaahon sa atin, narito ang ilan sa mga ito:
Ang buhay natin ay pahiram lamang sa atin kung kaya't huwag itong sasayangin. Tayo ay naninirahan sa mundo sapagkat pinahiram tayo ng Diyos ng buhay at lakas upang makapagpatuloy kaya't uwag itong sasayangin.
Maraming nagmamahal sa atin. Maaring isang pagsubok tungkol sa pamilya o pagkakaibigan ang iyong maranasan, ngunit sa kabila nito ay napakarami pa rin nagmamahal sa atin.
Magdasal ng taimtim upang maituro sa atin ang tamang dapat gawin. Tanging ang ating Panginoong Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang mangyayare sa atin kaya kung naguguluhan at nahihirapan magisip, mabuting dumulog sa kanya upang magabayan ng nararapat gawin.
Explanation:
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.