Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Heograpiya
Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.
Pagkakatulad ng heograpiyang pisikal at pantao
- Ang heograpiyang pisikal at pantao ay parehong dalawang sangay ng heograpiya.
- Ang heograpiyang pisikal at pantao ay parehong naglalarawan at nagpapaliwanang ng mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran o kalikasan.
Dalawang Sangay ng Heograpiya
1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)
Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal
- Klima
- Heolohiya (Geology)
- Biolohiya (Biology)
- Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.
2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)
Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao
- Wika
- Relihiyon
- Lahi
- Pangkat-etniko
- Medisina
- Ekonomiya
- Politika
- Mga Lungsod
- Populasyon
- Kultura
Para sa karagdagan kaalaman, magtungo sa link na:
Kahulugan ng Heograpiya: brainly.ph/question/59176, brainly.ph/question/337842
Mga Bumubuo ng Heograpiya: brainly.ph/question/598425
#LetsStudy
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.