IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Mga hakbang sa paggawa ng buod
- Basahin, panoorin o pakinggan muna nang pahapyaw ang teskto o akda.
- Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o ang pinaka tema gayundin ang mga susing salita o key words.
- Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
- Sulatin na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
- Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
- Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya ng gayunpaman at kung gayon bilang pangwakas
- Huwag magsinggit ng mga opinyon
Buod
Ang buod ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga pangyayari. Hindi isinasama rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga nabasang kwento, nobela, gayundin ang panonood ng sine, dula at iba pa.
- Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na binubuo ng mga pangungusap.
- Ito ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na mainitindihan.
Ito ay kadalasang ginagamit sa iba’t ibang akda katulad ng;
- kwento
- salaysay
- nobela
- dula
- parabola
- talumapati
Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda sa paggawa ng buod, mahalagang malaman ang sagot sa mgasumusunod na tanong:
- Ano?
- Kailan?
- Saan?
- Bakit?
- Paano?
Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung ang akdang binabasa na ginawan ng o buod sa pamamagitan ng paglalahad ng pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Dapat ding maiwasan ang pagbibigay ng iyong sariling pananaw o paliwanang tungkol sa akdang binasa.
Sa pagbubuod ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari. Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing karakter, ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa buod, magtungo sa mga link na:
brainly.ph/question/110927
brainly.ph/question/237782
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.