MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT:
1.Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat,subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gamapanan upang mag ambag sa pagkamit nito.Ang mahalaga sa kanya ay ang pakinabang na kanyang makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa malasakit at pagsasakripisyo ng iba.
2.ang indibidwalismo ,ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.Ito ay ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kanya.
3.Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagawa ng iba upang mapanatili ang kabuthang panlahat,hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba.