Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

batay sa alamat ng bundok kanlaon, paano nasolusyunan ni datu ramilon ang suliranin​

Sagot :

Answer:

Answer

2.0/5

11

princessomac10

Helping Hand

7 answers

178 people helped

Answer:

(Negros Occidental) Dahil sa kahanga-hangang katapangan at kabaitan ay matatangi sa Negros ang baranggay na pinamumunuan ni Datu Ramilon. Dagdag pa rito ang pagkakaroon n napakagandang anak ng datu na nagngangalang Kang. Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya." Sa dinami-rami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng isang raha sa kalapit nilang baranggay. Isang araw, naglakas-loob ang magkasintahan magtapat. "Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon "Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?" "Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang. pagtatapat ni Laon. "Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon. "Humanda kayo at idaraos natin ang inyong kasal sa kabilugan ng buwan." Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapag-kainan sa masasarap na pagkain bilang pagsalubong sa pag- iisang dibdib nina Kang at Laon. Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na tinig ng isang kawal. 5 "Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu Sabunan!" Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina Kang at Laon at hindi nito matanggap ang pangayayari. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilor na harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan a sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon, kabilang sina Kang a Laon. Sa tibay at wagas ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng magkasintahan. "Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi ng isang kawal. "Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa kausap. Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga tao na bundok nina Kang at Laon subalit sa paglipas ng panahon, ito a kinilalang bundok ng Kanlaon.1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? ang mga pantulong na tauhan? 2. Ano ang suliranin ng kahariang pinamumunuan ni Datu Ramilon? 3. Paano nasolusyunan ni Datu Ramilon ang suliranin? 4. Paano nagwakas ang alamat? Isalaysay 5. Bakit tinawag na Kanlaon ang bundok sa alamat?

Explanation: