Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
"Pag-galang sa kapwa ay gawin upang respeto ay ating anihin"
Ang pagrespeto sa kapwa ay makukuha lamang natin kung tayo mismo ang maguumpisa ng pagpapakita ng parespoeto sa kapwa. Kaya matutong umpisahan ito sa ating mga sarili. Walang maidudulot na mabuti ang pambubully sa kapwa gayundin din sa atin.
Ang bullying ay paggamit ng salita, lakas, o pwersa upang magpakita ng pang-aabuso sa ating kapwa. Madalas itong paulit-ulit na ginagawa na nauuwi sa isang karahasan. Narito ang mga uri ng pambubully:
- Physical Bullying o pananakit gamit ang pisikal na lakas.
- Verbal Bullying o pang-aabuso sa kapwa gamit ang mga masasakit at hindi magagandang mga salita.
- Social Bullying o pagkakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa isang taong binubully upang mahusgahan ng ibang taong nasa paligid.
- Psychological Bullying o ang pangaabuso sa mga tao na nagdudulot ng sobrang samang epekto sa mental na pagiisip nito
- Cyber Bullying o walang kontak na pambubully gamit ang mga teknolohiya.
Paraan upang makaiwas sa pambubully:
- Huwag matakot, tumayo at lumaban para sa sarili.
- Kung napapabilang sa isang grupong mayroong binubully, tulungan ang bawat isa. Tumayo bilang isang buong grupo.
- Iwasan maging emosyonal, huwag hayaang malaman ng iba ang iyong kahinaan.
- Huwag matakot magsumbong lalo na kung nasa loob ng paaralan.
- Huwag pansinin o pag-aksayahan ng panahon ang mga taong ang tanging intensyon lamang ay ang mangbully.
Mga halimbawa, epekto at iba pang eksplinasyon ukol sa bullying (nakasalin sa wikang ingles):
https://brainly.ph/question/1680578
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.