Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Gawain 2
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang titik ng tamang sagot.

A) kung ang una at ikalawang pahayag ay tama

B) kung ang unang pahayag ay tama at ang
ikalawang pahayag ay mali

C) kung ang unang pahayag ay mali at ang
ikalawa ay tama

D) kung ang una at ikalawang pahayag ay mali

1. A. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga
Kanluranin sa kultura, ekonomiya, at politika sa
mga nasakop na lupain sa Asya.
B. Ang mga Asyano ay nasiyahan sa pananakop.

2. A. Ang mga Asyano ay dumanas ng malubhang
paghihirap, kagutuman at pang-aabuso.
B. Nawalan ng karapatan at kalayaan ang mga
Asyano dulot ng mga patakarang pinairal ng mga
Kanluranin.

3. A. Ang “muling pagsilang" ay tinawag na mahalagang
transisyon mula midyibal tungo sa makabagong
panahon.
B. Ang kalakalan sa pamamagitan ng Europa at Asya
ay nagsimula noon pang sinaunang panahon.

4. A. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig
sabihin ay kapangyarihan.
B. Ang kolonyalismo ang nagpasigla ng kalakalan sa
pagitan ng Europa at Asya.

5. A. Ang Krusada ay isang kilusang inilunsad ng
simbahan at ng mga Kristiyanong hari.
B. Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na
pinakamalapit sa kontinente ng Europe,