Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Tugmang De Gulong, Tulang Panudyo, Bugtong at Palaisipan
Ang tugmang de gulong, tulang panudyo, bugtong at palaisipan ay bahagi ng pampanitikang Pilipino. Ang mga ito ay patuloy padin nating naririnig o nababasa araw araw. Bawat isa sa mga ito ay may kanya kanyang katangian at layunin. Bagamat ang mga ito ay may pagkakaiba, ang tugmang de gulong, tulang panudyo, bugtong at palaisipan ay ginagamit upang magbigay aliw o magsilbi bilang libangan sa mga tao, bata man o matanda.
Tugmang De Gulong
Ito ay tumutukoy sa mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaaring mabasa sa mga pampublikong sasakyan tulad na lamang ng dyip, traysikel at bus.
Ito ay payak lamang at hindi pormal na akda. Wala itong sinusunod na tugma o bilang.
Ang mga sulating ito ay kadalasang nakatutuwa at nakabatay sa katangian ng mga drayber, uri ng mga pasahero o sitwasyon sa araw araw na byahe.
Ito ay maaaring nasa anyo ng kasabihan, salawikain o kwento.
Halimbawa ng Tugmang De Gulong
"Huwag kang mag-dekwatro,
Ang dyip ko ay hindi mo kwarto."
"Miss na sexy, kung gusto mo ay libre,
Sa driver ika'y tumabi."
"Ang di magbayad walang problema,
Sa karma palang bayad ka na."
Para sa iba pang halimbawa ng tugmang de gulong:
brainly.ph/question/2466606
Tulang Panudyo
Ito ay tumutukoy naman sa akda na maaaring patula o paawit na sinasambit ng mga kabataan upang manudyo, mang-insulto, mangutya, mang-uyam o mambuska.
Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma.
Ito ay mga pabirong tula.
Nagpapakilala rin ito ng kamusmusan ng ating mga ninuno.
Halimbawa ng Tulang Panudyo
"Bata batuta!
Isang perang muta."
"May dumi sa ulo, ikakasal sa Linggo.
Inalis inalis, ikakasal sa Lunes."
"Pedro Penduko, matakaw ng tuyo.
Nang ayaw maligo, pinukpok ng tabo."
Para sa dagdag na halimbawa ng tulang panudyo:
brainly.ph/question/271971
Bugtong
Ito naman ay mga pangungusap o tanong na nagpapahayag ng doble o nakatagong kahulugan na kailangang lutasin.
Ang sagot dito ay nilalarawan sa pangungusap o tanong.
Wala itong sinusunod na bilang na salita ngunit kadalasan ay may tugma.
Ito ay maaaring tungkol sa tao, hayop, pagkain o iba pang bagay.
Halimbawa ng Bugtong
"Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay." (Sagot: Ilaw)
"Itim ng binili ko, pula ng ginamit ko." Sagot: Uling
Para sa halimbawa pa ng bugtong:
brainly.ph/question/1535936
Palaisipan
Ito ay isang suliranin na sumusubok sa kaisipan o katalinuhan ng isang tao.
Ito ay inaasahang malutas sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso ng detalye sa isang lohikal na paraan upang mabuo ang solusyon.
Halimbawa ng Palaisipan
"May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola na hindi man lang ginagalaw ang sumbrero?"
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero.
Para sa halimbawa pa ng palaisipan:
Explanation:
brainly.ph/question/3441364
#LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.