Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.
Sagot :
Mga Pambansang Pagdiriwang
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.
Halimbawa:
*Bagong Taon
*Araw ng Rebolusyong EDSA
*Araw ng Kagitingan
*Araw ng Mangagawa
*Araw ng Kalayaan
*Araw ng mga Bayani
Mga Pansibikong Pagdiriwang
May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.
Halimbawa:
*Araw ng mga Puso
*Linggo ng Pag-iwas sa Sunog
*Araw ng mga Ina/mga Ama
*Linggo ng Wika
*Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
*Linggo ng Mag-anak
*Araw ng mga Guro
*Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon
Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon
Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino.
Halimbawa:
*Pasko
*Ati-atihan
*Mahal na Araw
*Pahiyas
*Santakrusan
*Pista ng Peñafrancia
*Araw ng mga Patay o Todos los Santos
*Ramadan
*Hari Raya Puasa
Explanation:
I THINK all you need to do is to write a letter to one of your close friend and the topic is all about MGA PAGDIRIWANG NG PILIPINAS.
#CarryOnLearning
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.