IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Ang paggalang sa ama at ina ay ang pagpapakita ng respeto sa kanila sa salita at sa gawa at pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa kanilang posisyon bilang mga magulang. Ang salitang Griyego sa "paggalang" ay nangangahulugan ng "pagpipitagan at pagpapahalaga." Ang pagbibigay galang ay pagrespeto hindi lamang dahil sa merito kundi dahil din sa ranggo. Halimbawa, may ilang Pilipino na maaaring tumutol sa desisyon ng presidente, ngunit dapat na mayroon pa rin silang paggalang sa kanyang posisyon bilang lider ng bansa. Gayundin naman, ang mga anak sa lahat ng gulang ay dapat na igalang ang kanilang mga magulang kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi "karapatdapat" sa kanilang paggalang.
Inuutusan tayo ng Diyos na igalang ang ating ama at ina. Binibigyan Niya ng kahalagahan ang paggalang sa mga magulang na sapat upang isama niya ito sa Sampung Utos