IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Basahing mabuti ang ulat at sagutin ang mga tanong.

Mga Estudyante, Nagsisikap sa Pag-aaral sa Kabila ng Kapansanan

Jose Carretero, ABS-CBN News

Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na hindi hadlang ang kanilang Kapansanan para magpursige sa pag-aaral. Kalahating oras umaakyat at bumababa ng bundok ang 20-anyos na si Adam Andes para mag-aral sa Banquerohan Elementary School Special Education Center, Sa kabila ng kapansanan, pursigido siyang makatapos ng pag-aaral. Sabi ni Andes, masaya siya na nag-aaral. May cerebral palsy naman ang 22-anyos niyang kaklaseng si Ruben Arevalo. Hirap siyang pumasok sa eskwela lalo na kapag umuulan. Pero katuwang niya ang kanyang inang nagtitiyaga para mabigyan siya ng edukasyon. Sabi ni Arevalo, gusto niyang makapagtrabaho. Kasama nila sa SPED Center ang iba pang special students na nais matutong magbasa at magsulat, Napahanga ang mga guro sa kanilang dedikasyon. Masaya rin ang SPED dahil mahigit 70 na ang kanilang estudyante. Pero may ilang estudyanteng hindi natatapos ang pag-aaral dahil sa kawalan ng pamasahe lalo na yung mga nakatira sa mga liblib na lugar. Kaya balak mag-fun run ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang pamasahe. Umaaplla rin sila ng tulong para sa mga special children na determinadong matuto.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa balita?
2. Ano ang pinatunayan nila?
3. Saan sila nag-aaral?
4. Ano ang balak ng mga guro upang makalikom ng pundo? 5. Dapat bang tularan ang mga estudyanteng ito? Bakit?
6. Paano nila pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral?​


Sagot :

Answer:

1) Jose Carretero,,Adam Andes, Ruben Arevalo

2)Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na hindi hadlang ang kanilang Kapansanan para magpursige sa pag-aaral.

3)Banquerohan Elementary School Special Education Center,

4) balak mag-fun run ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang pamasahe.

5)opo,dahil kahit may kapansanan sila ay nagpupursige silang makatapos sa pag-aaral at makapagtrabaho para matulungan ang pamilya nila.