IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

halimbawa ng paglilimbag sa sining

Sagot :

Explanation:

Ang paglilimbag ay isang uri ng gawaing sining na ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas o marka sa mga bagay sa papel o tela. Sa pamamagitan ng paglilimbag ay maipahahayag mo ang iyong kaisipan at damdamin at maipakikita mo rinang iyong pagkamalikhain.May mga uri ng kagamitan at pamamaraan sa paglilimbag.Sa papel:

Ang panlimbag ay maaaring ilagay sa ibabaw o sa ilalim ng papel na lalagyan ngdisenyo

Kapag ang ililimbag ay inilagay sa ilalim, ang gagamiting pangkulay ay krayonna ikukuskos sa ibabaw ng papel. Kapag ang papel naman ay nasa ilalim ng bagayna ililimbag

ito ay lalagyan ng “water color” o tinta at idadaiti sa papel upang

makapag-iwan ng bakas

Ang paglilimbag ay maaaring gawing paulit-ulitMaaari kang maglimbag gamit ang mga sumusunod na bagay:

Dahon o mga natural na bagay sa paligid na pwedeng mag-iwan ng bakas

Mga patapong bagay katulad ng tansan, straw plastic cups at iba pa

Mga inukitang prutas o gulay katulad ng kamote o patatas

Maaari din ang pisiAng mga ito ay kagamitang di mo na bibilhin o paglalaanan