Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Chap1Addict


"Darating daw ba talaga sila, ma?" Pinanghihinaan ng tuhod na napaupo sa isang swivel chair si Janus Villaester.
Bagama't hindi matatawaran ang taglay niyang kaguwapuhan, isang mestisuhing labingwalong taong binata ay hindi niya magawang itago ang nararamdamang pangamba. Lagi siyang nakayuko at alumpihit sa loob ng waiting room ng chapel.
Halos hindi kumikibo ang kaniyang ina habang sinisikap niyang huwag magusot ang suot na Barong Tagalog ng anak na pinamumuuhan na ng pawis sa kaniyang noo at batok. Namumula ang mukha ni Janus habang pinagmamasdan ng kaniyang inang si Stella.

"Darating ang mga iyon," mahina ang boses na winika niya sa anak. Sinikap niyang huwag gumaralgal ang kaniyang boses ngunit napaubo siya ng kaunti. Napasapo ang ginang sa kaniyang noo kapagkuwa'y hinilut-hilot ang kaniyang dibdib.

"Si dad po ba,...?"

Matipid na ngiti ang tanging naisagot ng ginang sa anak na tuluyang ikinalungkot nito.

"Mas mabuti na ring wala siya rito," tinabihan at inakbayan niya ang anak na tila gusto nang hubarin ang suot nitong barong.

"Hindi ko Ito gagawin! Hindi ko Ito kasalanan!" sabay suntok ng binata sa pader.

"Huminahon ka, anak!"

"Huminahon?! Paano, ma? Matatali na ako dito habang buhay! Paano ang mga pangarap ko?" Hindi na napigilan ni Janus ang mapahagulgol.



Sagot :

Answer:

Hi

Explanation:

Hi

Answer:

risk

Explanation:

cause of okay risk what you MOREE mean para sa bahay nyo na ung mga anak