IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Sino sino ang mga tauhang nakilala sa handaan? sa noli me tangere Isa-isang ilarawan o ipakilala ang bawat isa​

Sagot :

Sagot:

Kapitan Tiago

  • Buong Pangalan: Don Santiago de los Santos

Si Kapitan Tiago ay ang asawa ni Tiya Isabel na ama-amahan naman ni Maria Clara. Siya ay kilala bilang mayaman, matulungin, maka-Diyos, at maginoo.

Padre Damaso

  • Buong pangalan: Dámaso Verdolagas

Si Padre Damaso ay ang dating kura paroko ng bayan ng San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Padre Sibyla

  • Buong Pangalan: Padre Hernando de la Sibyla

Si Padre Sibyla ay ang paring Dominikano. Ang kura ng simbahan ng Binondo sa Noli Me Tangere. May lihim na sumusubaybay sa mga aksyon ni Crisostomo Ibarra.

Tenyente Guevarra

  • Buong Pangalan: Miguel Guevarra

Si Tenyente Guevarra ay isang tenyente na isa din sa dumalo noong libing ni Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo Ibarra. Si Tenyente Guevarra din ay nirerespeto ang pamilya ni Crisostomo Ibarra at ang mga gawa nito.

Crisostomo Ibarra

  • Buong Pangalan: Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

Si Crisostomo Ibarra ay ang bida sa kwento. Siya ay isang mayaman, ngunit matulungin at mapagkumbaba. Siya rin ay matalino, at ang kasintahan ni Maria Clara.

Dr. Tiburcio de Espadaña

Siya ang asawa ni Donya Victorina. Siya ay pilay at bungal na Kastila. Napadpad siya sa Pilipinas dahil sa paghahanap ng maganda kapalaran.

Donya Victorina

Asawa ni Don Tiburcio. Siya rin ay nagpapanggap na isang Mestisang Kastila.

Kapitan Tinong

Kaibigan ni Kapitan Tiago at matalik na kakilala ng ama ni Crisostomo Ibarra, si Don Rafael Ibarra.

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.