Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

sayaw sa kanlurang asya​

Sagot :

Answer:Ang pagsasayaw ng tiyan ay isang uri ng tradisyunal na anyo ng sayaw sa silangan o sayawin sa silangan na nagmula sa Gitnang Silangan ng Asya. Tinatawag itong "sayaw ng tiyan" o "pagsasayaw ng puson" (Ingles: belly dancing) sa Kanluran, partikular na sa Estados Unidos, sapagkat kamangha-mangha at mas napapansin sa sayaw na ito ang namumukod na maalindog na paggalaw ng tiyan ng mananayaw, bagaman gumagalaw din ang ibang bahagi ng katawan; kaya tinatawag ding mananayaw ng tiyan o mananayaw ng puson (Ingles: belly dancer) ang may kaalaman o nagtatanghal ng sining na ito.

Sa Arabe, kilala ito bilang raqs sharqi (رقص شرقي, binibigkas na raks syarki, ang "sayaw sa oryente," o ang "sayaw sa silangan") o kaya raqs baladi (رقص بلدي, binibigkas na raks baladi, ang "pambansang sayaw," "pambayang sayaw," "sayawing bayan," o "sayaw ng bayan"). Pinaniniwalaang nagmula ang terminong raqs sharqi sa Ehipto. Sa Gresya at sa mga Balkan, tinagurian itong tsiftetelli (τσιφτετέλι). Isang likha ng kaisipang Oryentalismo ang katawagan sa Ingles na belly-dance noong 1899, isang pagsasalin ng pariralang Pranses na danse du ventre.[1]

Explanation:

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!