IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
May mga pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa. Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Maunawaan mo at kilalanin na ikaw rin ay may pananagutang magbahagi ng iyong kaalaman at kakayahan sa iyong kapwa na gagawin mo nang may kalayaan, pananagutan, at pagmamahal.
Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang
Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang; at binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya’t ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).
Explanation:
#CarryOnLearning
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.