IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang mga hugis,sukat,anyo,klima at kinaroroonan ng mga vegetation cover sa asya

Sagot :

Kabilang sa mga vegetation cover sa Asya ay ang steppe, prairie, savanna, taiga, tundra, rainforest at tropical forest.

Ang steppe ay isang damuhang may mababaw na ugat, may temperaturang katamtaman lamang. Karaniwang tagtuyot sa steppe. Ito ay matatagpuan sa hilaga at timog hemispero.

Ang prairie ay kabaliktaran ng steppe dahil ito ay damuhang may matataas o malalalim na ugat katulad ng nasa Russia, Manchuria at Mongolia.

Ang savanna naman ay lupain na pinagsamang damuhan at kagubatan na karaniwang matatagpuan sa Thailand at Myanmar.

Ang Taiga o boreal forest ay tinatawag na coniferous forest. Ito ay may malamig na klima dahil sa presipitasyon sa anyong yelo o ulan.

Ang Tundra o Treeless Mountain Tract ay halos walang puno sa lupain at napakalamig ng klima dito. Matatagpuan ito sa mga lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean.

Ang rainforest ay mayroong malamg na klima at naglalakihang mga punong-kahoy.

Ang tropical forest ay matatagpuan sa mga bansang nasa torrid zone. Ito ay may halos pantay na tag-ulan at tag-araw
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.