IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
TURKEY
sana makatulong
Explanation:
#carryonlearning
Turkey
MUSTAFA KEMAL ATATURK
Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi ng imperyong Ottoman noon, ngayon ay Ssloniki, Greece. Ang kaniyang mga magulang ay sina Ali Riza Efendi. Sinasabing nagmula sa pamilya ng mga Nomads sa Konya,Turkey. Ang kanya namang ina ay si Zubeyde Hanim . Nakapag-aral ng elementarya sa Semsi Efendi School. Nag-aral sa Monastir High School noong taong 1899.Taong 1905 nang matapos ng pag-aaral sa Ottoman Military College si Mustafa, at naging ganap na isang sundalo
Naging Kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5th Army sa Damascus na ngayon ay Syria hanggang noong 1907. Isa si Mustafa na hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong matapos ang kanilang digmaan noong1911 hanggang 1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga Italyano
Si Mustafa Kemal ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at Armenia. Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand National Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey. Noong Hulyo 24, 1923, Ang Grand National Assembly kasama ang mga Kanluranin ay lumagda sa isang kasunduan na tinawag na Treaty of Luasanne na kumikilala ng kalayaan ng Turkey. Si Mustafa Kemal ang unang nahalal na pinuno ng Bagong Republika. Tinawag siyang Ataturk na nangangahulugang Ama ng mga Turko.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.