Ang pangunahing tauhan ng akdang Cupid at Psyche ay walang iba kundi sina Kupido at Psyche din. Ang kahinaan ni Psyche ay ang pagiging mausisa,
maurirat at mapagpaniwala nito sa mga bagay na walang basehan o malinaw na
ipinagbabawal na siyang nagdulot nito palagi sa kapahamakan samantalang
kalakasan naman nito ang madaling pagtanggap o pag-amin ng pagkakamali at
paggawa ng mga bagay para mabawi ang pagkakamaling nagawa nito at ang pagiging matapang sa pagtanggap ng mga bunga ng mga maling desisyon nito.
Ang kahinaan naman ni Cupid ay ang hindi buong
pagtitiwala nito kay Psyche noong ilihim niya ang tunay na pagkatao sa asawa
samantalang kalakasan naman nito ang pagiging mapagmahal at mapagpatawad sa
asawa.