IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

ano ang ibig sabihin ng salitang gusi,sumibad,tinigpas,nakatinghas.ipinukol,umimbulog at may kasamang limang pangungusap
 


Sagot :

Gusi - malaking banga na kadalasang pinaglalagyan ng kayamanan
Ang gusi ay nakatago sa ilalim ng lupa.

Sumibad - mabilis na umalis
Bigla na lang sumibad si Ate nang marining ang pangalan ni kuya.

Tinigpas - pinutol gamit ang matalim na bagay
Mabilis na tinigpas ni tatay ang mga maliliit na sanga sa bakuran.

Nakatinghas - nakatinding
Sa tuwing daraan ako sa lugar na ito, laging nakatinghas ang balahibo ko sa likuran ng aking leeg.

Ipinukol- inihagis
Ipinukol niya ng mabilis ang sanga ng kahoy kaya hindi ako nakailag

Umimbulog - lumipad paitaas
Marahang umimbulog ang mga laruang lobo nang mabitawan ko ito.