Ang limang tema ng heograpiya ay nakatutulong upang mas malaman ang ilang sa mga pinakaimportanteng detalye tungkol sa bansa. Mas madaling nauunawaan ang kultura at kaugalian ng bansa, ang mga galaw ng tao at ideya nito, ang interaksyon nila sa kapaligiran kung paano sila umangkop sa kanikanilang kapaligiran at kung paano nila tinugunan ang mga mahahalagang isyu tungkol sa kanilang komunidad. Inilhad din sa pinakaiksi ngunit komprehensibong paraan ang pisikal na katangian ng bansa sa temang rehiyon at lugar kung saan saklaw nito ang kultura at katayuan ng bansa.Nalalaman din natin dito ang tiyak na lokasyon ng bansa sa temang lokasyon.