Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Ano ang kahulugan ng bawat letra ng panitikan?

Sagot :

Ang Panitikan

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung saan ang unlaping"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Nasasalamin dito ang kahalagahan ng mga kultura na kung saan nagpapakilala sa isang bansa.

    Isinasalaysay o ipinakikilala ang uri ng pamahalaan, lipunan, paniniwala at mga ibat-ibang uri ng mga damdamin tulad ng paglalahad ng pag-ibig, pagiging masayahin, pighati, pag-asa, galit, paghihiganti, katarungan, tapang, alinlangan at iba pa.

    Napayaman ng panitikan n gating bansa sapagkat marami tayong mga taong makata na nagtuon ng panahon, talento at orasupang  ipakilala kung gaano kayaman ang Pilipinas sa larangang ito.

Bakit Mahalaga ang Panitikan

  • Nalalaman ang minanang yaman ng kaisipan at katlinuhang taglay na ating pinagmulan.
  • Ipinapakilala ang mga ibat-ibang tradisyon na nagsisilbing gabay mula sa mga impluwensya ng ibang kabihasnan na nagnggaling  sa mga karatig bansa.
  • Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.  
  • Upang higit na mapaunlad ang mga kasanayan sa pagsulat at ipagpatuloy hanggang sa susunod na lahi.
  • Ipakilala sa mga kapwa Pilipino ang pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling kultura, wika at panitikan.

Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang link:

https://brainly.ph/question/2211499

#BetterWithBrainly