Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Bakit mahalagang maunawaan natin ang ating heograpiya?

Sagot :

Maraming dahilan kung bakit dapat maunawaan natin ito.  Ang pangunahing dahilan ay upang masiyahan tayo sa ganda at kakayahan ng Lupa, partikular sa mga lugar kung saan umiiral ang sangkatauhan.  Para itong katawan ng tao.  Miyentras madiskubre ang kakayahan nito sa takbo ng buhay, ay lalong masisiyahan siya at ganadong mabuhay dahil sa pagiging komplikado pero organisadong pagpapatakbo ng mga sistema nito.  

Ikalawa, magiging pamilyar sa atin ang mga lugar, mga bansa at mga taong nabubuhay sa ibat-ibang kalagayan at kultura.  

Ikatlo, upang maintindihan ang mga pangunahing takbo ng mga pisikal na sistema na may malaking epekto sa ating buhay tulad halimbawa sa kung ano ang relasyong ng lupa sa araw, siklo ng tubig, mga galaw ng hangin at tubig sa karagatan.  

At ikaapapat, makikita natin ang takbo ng buhay sa atin mismong lugar na ginagalawan.  Dahil dito ay pwede tayong mag-umpisa muli upang ayusin kung saan tayo nagkulang at mas lalong pagagandahin pa natin ang mga bagay na iniingatan na natin.