Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer: Dalawang Pangunahing Estruktura Ng Pamilihan
Sa dalawang unang kahon:
Ganap na Kompetisyon
Di-Ganap na Kompetisyon
Sa ilalim ng Di-Ganap na Kompetisyon:
Monopolyo
Oligopolyo
Monopsonyo
Monopolistikong Kompetisyon
Explanation:
Pamilihan
Ang pamilihan ay isang lugar kung saan nangyayari ang pagpapalitan at interaksyon ng mga konsyumer at prodyuser. Ito rin ay may kaugnayan sa presyo at dami ng produkto at serbisyo.
Estruktura Ng Pamilihan
May dalawang uri ang estruktura ng pamilihan. Ang mga ito ay ganap na kompetisyon at di-ganap na kompetisyon. Narito ang kanilang pagkakaiba:
Ganap na Kompetisyon
Magkakapareho ang produkto
Marami ang maliit na konsyumer at prodyuser
Malaya ang paggalaw ng mga sangkap ng produksyon
Malayang nakakapasok at nakakalabas sa industriya
Di-Ganap na Kompetisyon
Ito ang pamilihan kung saan may kontrol sa presyo ng kalakal ang mga indibidwal na kalakalan o firm. Ito ay may apat na uri:
Monopolyo - iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo. Ang mga konsyumer ay napipilitang tanggapin ang itinakdang presyo.
Oligopolyo - maliit lamang ang bilang ng nagtitinda ng magkakapareho na produkto at serbisyo.
Monopolistikong Kompetisyon - marami ang nagtitinda ngunit iba iba ang katangian ng produkto.
Monopsonyo - iisa lamang ang mamimili at may kakayahang makontrol ang demand ng produkto sa pamilihan.
Explanation: #LetsStudy
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.