Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer & Explanation:
Mahalaga ang pagbabasa ng Ibong Adarna para sa mag-aaral ng mataas na paaralan dahil maraming importanteng aral ng buhay ang matututunan nila dito. Itong mga aral na ito ay makakatulong sa kanila habang sila’y tumatanda at nakakasalubong ng mga iba’t ibang karanasan. Karamihan sa mga kabanata ay tungkol sa pag-ibig. Dahil ito’y tungkol sa pag-ibig, mas madaling magkaugnay ang mga mag-aaral dahil ngayon sa kanilang edad, nararanasan nila ng magkaroon ng “crush” o ng kasintahan kaya madami talaga silang matututunan dito sa koridong ito.
~Maging mapagtawad sa kapwa
~Tumulong sa mga nangangailangan
~Huwag magdulot ng masama sa kapwa
~Maging mapagbigay sa kapwa
~Huwag kainggitan ang kapwa
~Maging isang mabuting anak sa mga magulang
~Maging mapagmahal sa kapatid
Kung mapapansin ang mga aral na mapupulot sa kwento ng Ibong Adarna ay likas na mga simple lamang at kayang-kaya ng sino man na gawin ito. Ano man ang iyong edad, matanda man o bata ay may kakayahang gawin ito. Kaya walang dahilan upang hindi ito maisagawa sa bawat gawain sa araw-araw.
from: wordpress and https://brainly.ph/question/1279467
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.