IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

ano ang masamang epekto ng paggamit ng pampasaboh at lason SA pangingisda ng Tao


Sagot :

Answer:

Malalason ang mga isda at iitim ang dagat at mawawala ang ating mga likas na yaman

Explanation:

#carryonlearning

-zeivintanag

Answer:

ang pagpapasabog sa dagat o mas kilalang dynamite fishing ay isa sa pinakamadali ngunit mapanganib at delikadong paraan ng panghuhuli ng isda. Ito’y patungkol sa ipinagbabawal na paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng malalaking halaga ng isda.

MGA EPEKTO

Polusyon

Isa ito sa mga dahilan ng pagkakaroon ng polusyon sa tubig dahil sa epekto ng pagsabog.

Pagtigil o hindi paglaki ng mga isda

Ang mga isda ay hindi makuhang lumaki ng husto dahilan sa paggamit ng dinamita.

Maramihang pagkamatay ng mga isda

Paglago ng mga isda dahilan sa maramihang pagpatay kasama na ang mga punlang binhi o maliliit na isda at pagkasira ng mga halamang dagat.

Toxic o lason

Ang mga chemical na ginamit sa dinamita ay hindi mabuti para sa ating kalusugan. Ang ating pamahalaan ay hindi pinapayagan ang ganitong klase ng panghuhuli ng isda dahil sa malaking posibilidad na tayong mga mamamayan maging ang mga mangingisda ay ma lason na nagiging dahilan ng ating pagkakasakit o pagkakamatay.

Ang dinamita ay hindi pinapayagan sa pangingisda dahilan sa masamang epekto na dulot nito. Ako bilang isang mag-aaral ay umaasa at nagdarasal na ito’y matigil na at mabigyang pansin ng mga kinauukulan ng pamahahalaan pati na ang mga mangingisda mismo.