Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

1.) Ano ang tawag sa samahang itinatag ng mga Hapones na naglalayong pag-isahin ang mga
bansa sa Silangang Asya at'itaguyod at pangalagaan ang bawat kasapi nito?
A. KALIBAPI
C. South East Asian Association
B. HUKBALAHAP
D. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
2.) Noong Oktubre 14, 1943 pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na lalong kilala
sa tawag na pamahalaang nasa patnubay ng Hapon. Sino sa mga sumusunod na pangulo ang
nahirang sa panahong ito?
A. Emilio Aguinaldo
C. Elpidio Quirino
B. Jose Laurel
D. Ramon Magsaysa
3.) Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan ng pananakop ng mga Hapones sa bansang
Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Kailangan nilang palakihin ang teritoryo bunsod ng lumalaking populasyon
B. Nais nilang ipalalaganap sa buong kapuluan ang relihiyong Kristiyanismo,
C. Upang maipagpatuloy nila ang kanilang adhikain sa pagpapalawak ng Greater East Asia
Co-Prosperity Sphere.
D. Naghahanap sila ng mapagkukunan ng hilaw na sangkap na gagamitin sa kanilang
industriya at mapagbentahan ng kanilang produkto.
4.) Bakit tinaguriang Pamahalaang Papet o Puppet Republic ang pamahalaang naitatag sa
panahon ng Hapon?
A. Maraming ipinagbawal sa panahong ito
B. Nabuhay ang mga tao sa takot at pangamba
C. Dahil naging mahilig ang mga tao sa paggawa ng papet
D. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay pinagalaw ng ibang tao.
5.) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa uri ng pamamahala at pagbabagong
naganap sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?
A. Umiral ang sistemang demokrasya sa bansa
B. Walang kalayaan at pribiliheyo ang mga Pilipino
C. Umangat ang bansa lalong-lalo na sa larangan ng agham at siyensiya.
D. Umunlad ang ekonomiya ng bansa at nakilala ang bansang Pilipinas sa buong mundo.​